ika-6 ng Oktubre

 06 October 2021


Ilang saglit na lamang at ako'y magdiriwang na muli ng aking kaarawan.

Kay bilis lumipas ng 365 na araw.

Parang kailan lang na kapiling ko ang aking pamilya sa Pilipinas.


Mahigit 6 na taon na ng ako'y mangibang bayan.

Sinubukan ang pamumuhay sa di nakasanayang bayan.

Sa awa ng Diyos ako'y Kanyang pinatnubayan.

Ako'y nakaraos at ngayo'y isa nang mamamayan ng ibang bayan.


Maraming salamat sa lahat ng kapamilya, kamag-anak at kaibigan.

Na nakasama at kasama ko sa aking paglalakbay.

Aking dalangin ay patnubayan at patuloy na biyaya sa lahat.

At matapos na ang pandemyang ngayon ay aming nararanasan.


Ang aking puso ay nababalot ng kagalakan.

Hindi man alam ang aking kapalaran,

sa tulong ng Iyong grasya at awa, Diyos ko ako'y patuloy mong patnubayan.







Comments

Popular posts from this blog

Australian Citizenship Pledge

The Art of Waiting